Mga akdang pampanitikan sa bawat panahon

By: Patrecia Mae Buenaobra


PANAHON NG KATUTUBO


Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.

Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala. Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.

Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito. Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay Tanggol.Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing pinakamamahal.

Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng kasintahan.Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.


REAKSYON:

Ang alamat ng samapaguita ay isa sa mga kinapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Sa kwentong ito pinapahayag na huwag agad maniniwala sa kwento ng iba sapagkat hindi lahat ng kwento ay totoo. Tulad ng nangyari kay Liwayway  na pinaniwalaan nya ang sinabi ng isang babae na nag asawa na si Tanggol kaya hindi na ito bumalik kahit hindi naman iyon totoo, kaya naman ito namatay ng ma sama ng loob kay tanggol. 


https://pinoycollection.com/alamat-ng-sampaguita/


PROPAGANDA


NOLI ME TANGERE

Unang nobela ni Rizal ang Noli me Tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Orihinal itong nakasulat sa wikang Kastila, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.

Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, pinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:


REPLEKSYON:

Ang nobelang Noli Me Tangere ay nakatutulong upang mamulat tayo sa realidad na nangyayari sa ating bansa. Nakakatulong ito na gumawa tayo ng pagbabago sa ating bayan at bigyang pansin ang mga mali na nangingibabaw sa ating lipunan. Na huwag magpaapi sa mga dayuhan at huwag matakot na ipaglaban ang ating kalayaan at mga karapatan.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Noli_Me_T%C3%A1ngere_(nobela)

HIMAGSIKAN


PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA (Tula ni Andres Bonifacio)            

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagkadalisay at pagkadakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.


Ulit-ulitin mang basahin ng isip

at isa-isahing talastasing pilit

ang salita’t buhay na limbag at titik

ng isang katauhan ito’y namamasid.


Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal

sa tapat na puso ng sino’t alinman,

imbit taong gubat, maralita’t mangmang

nagiging dakila at iginagalang.

Kayong mga dukhang walang tanging sikap

kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,

ampunin ang bayan kung nasa ay lunas

sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig

hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis

kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid

ito’y kapalaran at tunay na langit.


.REPLEKSYON:

Pagibig sa tinubuang lupa Ang pagibig sa Tinubuan Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. 1. Tula ang uri ng panitikan na aking binasa, Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Binubuo ng saknong at taludtod ang tula. May mga tula naman na walang sukat o malaya ang taludturan 2. Isa sa mga linya na tumatak saakin ay ang “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.” Sa linyang ito direktang sinasabi ni bonifacio na wala ng mas hihigit pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa, pag inisip ito ng mas malalim pa, maiisap na kung mahal mo ang iyong bansa, hindi lang sarili mo ang maiisip mo kundi ang bawat tao o bagay na nakapalibot sayo. Ang tulang ito ay nakapag bukas ng mata sa mga mamamayang Pilipino na mahalin ang kung ano ang nararapat na satin.

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-regime-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa-tula-ni-andres-bonifacio_1108.html




PANAHON NG AMERIKANO


Tanikalang Ginto" ni Juan Abad

Isang Pagsusuri sa Dulang. Tanikalang Guinto Una sa lahat, ang Tanikalang Guinto ang unang dula na napanood ko natumatalakay sa usapin ng bayan at kalayaan. Nabasa ko lamang sa mga aklatpang-kasaysayan noong elementarya ang tungkol kay Juan Abad at angkanyang dulang Tanikalang Guinto. Hindi ko na maalala ang eksaktongpaksa ng leksiyon noon sa HEKASI, pero alam kong nakulong si Juan Abaddahil sa kanyang dula.Ngayong napanood ko na ang dula, napagpasyahan ko (palaging sinasabi nakailangang magpasya ng manonood sa dula) na ang dulang ito ay tunayngang sedisyoso. Ngunit ang pagiging sedisyoso ng palabas, sa akingpalagay, ay nararapat lamang talaga noong kapanahunan na itinanghal ang Tanikalang Guinto. Kung sedisyoso ang maitatawag sa pagigingmakabayan, talagang hinihingi ng pagkakataon noon (at maging sakasalukuyan) na buhayin ang diwang makabayan sa bawat Pilipino.Bilang isang bansa na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos, angPilipinas noon ay walang laban sa kahit anumang naisin ng mga Amerikano.Mula sa mga kasunduang pangkalakalan hanggang sa pamamalakad ngpamahalaang kolonyal dito, palaging talunan ang Pilipinas dahil kapakanannga naman ng Estados Unidos ang uunahin ng mga Amerikano at hindi ngkanilang mga nasasakupan. Ninakaw ng mga Amerikano ang kalayaangbinayaran ng napakaraming buhay ng Katipunan. Nararapat lamang pag-alabin ang diwang makabayan noon at bawiin ang kalayaan na ipinagkait samamamayan

REPLEKSYON:

Ang  dulang “Tanikalang Guinto” ay naglalarawan kung anong klaseng lipunan ang mayroon nuong panahon ng mga Amerikano, walang kalayaan. Mapapansin din na ang ganitong klase ng lipunan ay patuloy pa rin namang nabubuhay hanggang sa kasulukuyan. Hindi makalaya ang Pilipinas mula sa mga kasinungalingan at dumi ng gobyerno. At sa ayaw’t sa gusto ko, hindi lamang sa gobyerno nanggagaling ang problema, sa lipunan din. Puwede nating sabihin na mahirap makatakas sa ganitong klase ng lipunan sapagkat para itong isang bilog, walang katapusan. Parehong nagdudulot ng problema ang gobyerno at lipunan ngunit ayaw ng dalawa magtulungan. Kaya naman, magpapatuloy lamang ang ganitong lipunan hanggang sa mga susunod pa na henerasyon.

https://www.coursehero.com/file/55276014/Isang-Pagsusuri-sa-Dulang-tanikalang-gintodocx/

PANAHON NG HAPON

TANAGA  (  Awa sa  Pag-ibig ni Jose de la Cruz)


    Noo’y isang hapon! Ikaw’y nakadungaw

    At waring inip na sa lagay ng araw,

    Ang ayos mo noon ay nakalarawan

    Sa puso kong itong tigib kalumbayan.


  Anomang gawin ko’y hindi na mapawi

    Ang naging anyo mong pagkayumi-yumi,

    Itong aking pusong nagdadalamhati’y

    Tinuruan mo pang umibig na tangi!


    Kung nang unang dako’y hindi ko nasabi

    Sa iyo ang aking tunay na pagkasi

    Ay pagka’t ang aking puso ay napipi

    Sa harap ng dikít na kawiliwili.


  Sa ngayo’y narito at iyong busabos

    Ang aking panulat at aking pag-irog;

    Ang aking panitik: walang pagkapagod,

    Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.


  Kung pangarapin ko ang lamlam ng araw

    At naging anyo mo sa pagkakadungaw

    Ay minsang sumagi sa aking isipang

    “Ikaw kaya’y aking maging Paraluman?”


REAKSYON:  

  Natutunan ko sa mga tulang ito na galing sa bansang Hapon,ay kung paano gumawa ng mga tulang ito.Kailangan na ang tultng tanka ay may tatlumpung pantig at naglalaman ng limang taludtod.Samantalangang haiku naman ay naglalaman ng labing pitong pantig at tatlong taludtod.Nararapat din na ang tinatalakay sa tulang tanka ayay tungkil sa pag-ibig at kalikasan.Samantalang sa haiku naman ay pumamatungkolsa kalikasan.

https://freehomeworkphilippines.com/halimbawa-ng-tula-ng-tanaga-tungkol-sa-pag-ibig/



ISINAULING KALAYAAN


Ang Maikling Kwento ni Baste at ng Aso niyang si Pancho

   Si Baste ay ulila na sa ama at sa ina. Namatay ang nanay pagkatapos manganak sa kanya at ang ama niya naman ay pumanaw noong siya walong taong gulang pa lamang. Ang tiyuhin ni Baste ang nagpalaki sa kanya. Kasama niyang lumaki ang asong pinangalanan niyang Pancho. Bigay ito ng tiyuhin niya sa kanya noong magtapos siya sa sekondarya.Matalino si Baste, gayundin si Pancho. Mula noong tuta pa lamang ito hanggang umabot ng dalawang taon, si Baste ang lagi niyang kalaro. Hindi rin mabarkada ang noo’y nasa ikalawang taon sa kolehiyo na binata. umanaw ang tiyo ni Baste bago pa sila lumipat sa bago niyang bahay. Isinama niya si Pancho ngunit malungkot pa rin ito.Madalang lang kasi silang makapaglaro. Palaging umaalis ng bahay si Baste o ‘di kaya’y pinupuntahan siya ng mga kaibigan niya sa bahay niya. Pati pag-uugali niya ay nag-iba na.Isang araw, umuwi ng lasing si Baste. Naka-tyempo naman na sobrang nananabik si Pancho sa kanya kung kaya’t tumakbo ito patungo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ng aso, tinaboy siya ni Baste.Nagtampo ang kawawang aso. Kinabukasan, pagka gising ni Baste, wala si Pancho sa bahay nila. Hinanap niya kung saan-saan. Bumalik na rin siya sa dating nilang bahay ngunit wala ang aso doon.Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya yung mga panahong makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.Napagtanto niya na lubos niyang napag-iwanan ang tanging nandun palagi sa tabi niya bukod sa tito niya. Bigla niyang naalala ang daungan. Agad-agad siyang pumunta roon.“Baste! Ang tagal mo na ‘ring hindi pumupunta dito ah, asensado ka na talaga. Nauna pa yung aso mo sa iyo dito,” sabi ng guwardiya.Bakas ang saya sa mga mata ni Baste sa narinig niya. Agad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan palagi silang umuupo ni Pancho noon at nanunuod ng paglubog ng araw. Doon nakita niya ang matandang aso na nakaupo ng mag-isa.Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan niya ito na parang nilalambing. Agad naman humiga ang aso sa mga paa ng binata. Simula noon, palagi na muling naglalaro sina Baste at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati nilang pinupuntahan at inaalala na ng binata ang dati’y simpleng pamumuhay.




REPLEKSYON:

Sa maiking kwento na ito ay malalaman natin ang kahalagahan ng isang kaibigan. Ang pagmamahal sa iyong matalik na kaibigan na kasama mo na ng matagal na panahon. At ang isa ko pang natutuhan ay huwag sasaktan ang iyong alaga at bigyan sila ng pansin kahit kaunting oras pa lamang.

https://philnews.ph/2018/11/08/maikling-kwento-baste-aso-pancho/





BAGONG LIPUNAN 

TALAMBUHAY NI SEVIRINOREYES (KASAYSAYAN NG SARSWELA)

Ang Sarsuwelaay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isahanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na maykinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin ay tinatawagnazarzuela, sarsuela, dulang inawitan, dulang hinonihan, drama-lirico at operetta.Mga nilalaman[itago]•1Kasaysayan•2Tema•3Pagtatanghal•4Sanggunian•5Pagkilala[baguhin]KasaysayanIto ay dumating saMaynilanoong 1879 o 1880 na may pagtatanghal ngJugar conFuego(Play with Fire) ng grupo ni Dario de Cespedes. Sa mga sumunod na taon,marami pang mga grupo ang dumating sa bansa na nagdulot ng inspirasyon sa mgaPilipino upang gumawa ng sarili nilang orihinal na sarswela sawikangTagalog,Pampango,Ilokano,Cebuano,IlongoatWaray.AngAn Pagtabang ni San Miguelang unang sarsuwela saWaray, na may iskrip atmusika niNorberto Romualdez. AngIng Managpenaman ni Mariano ProcesoPabalan Byron ang unang sarsuwela sa pampanga.[baguhin]TemaAng sarswela ay maaaring maglarawan ng mga tema nang pagmamahal sa bayansa panahon ng rebolusyon, tulad ngWalang Sugat(Not Wounded), 1902 niSeverino Reyes; panlilibak sa mga kahinaan ng pagkatao ng mga Pilipino, tuladngPaglipas ng Dilim(After the Darkness), 1920; pagtuligsa sa mga baluktot nagawain, tulad ng mataas na interes sa pautang, saBunganga ng Pating(At theMercy of the Sharks), 1921; at paglalahad ng isang nakawiwiling kwento ng pag-ibig



REPLEKSYON;

 Ang sarswela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Maaring ihalintulad ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ang kaibihan lamang ay ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Sa pamamagitan ng sarswela ay naibahagi ng bawat gumaganap ang mga pangyayari naganap sa kanilang bawat rehiyon at kanilang nabibigyang malay at dagdag na kaalam ang iba pang mga Pilipino sa kanilang kultura kaya’t mas napagyayaman at napapalawak ang ating kultura.

https://cuitandokter.com/





Comments

Popular posts from this blog

Pagsusuri (Gawain 5)

Pagsusuri (Gawain 6)

Pagsusuri (Gawain 7)