Pagsusuri (Gawain 5)
Ang Mangingisda
Ni Ponciano B. Peralta Pineda
I. Pamagat
Ang Mangingisda
Ang halos pangunahing pangkabuhayan ng mga tao ay ang panghuhuli ng isda. Ito ang pamagat ng kwento sapagkat umiikot ang kwento sa isang mangingisda at dito rin malalaman kung ano ang pamumuhay meron ang mangingisda at kung paano nila itaguyod ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng panghuling isda. Kaya “Ang Mangingisda” ang pamagat ng kwento sapagkat ang kwento ay tungkol sa isang lalaking mangingisda ang gustong makahuli ng maraming isda at mayroong pangarap na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan ngunit masamangparaan ang ginamit niya.
II. May-akda
Ponciano B. Pineda
Isa sa kinikilalang tagapagtaguyod ng wikang pambansa at panitikan ang pumanaw bago pa man magsimula ang Buwan ng Wika.Si Ponciano B.P. Pineda, 81, itinuturing “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” ay namatay noong Hulyo 31 dahil sa cardiac arrest.Si Pineda ang nanguna sa pagtatag ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1991 mula sa noo’y Surian ng Wikang Filipino. Pinamunuan niya ang komisyon sa loob ng halos 30 taon.
III.Maikling Kwento
IV. Nilalaman
a.Tauhan
•Mangingisda - nangangarap na magkaroon ng sariling lantsa, bida sa kwento.
•Don Cesar - isang mayamang tauhan ng kwento na tila kinaiinggitan ng mangingisda dahil sa mga lantsang mayroon ito.
•Fides - nagmamay-ari ng punduhan na kinauutangan ng gasolina ng mangingisda Ina - ang magulang ng mangingisda na palaging nagpapaalala sa kanya na huwag kalimutan ang Maykapal sa mga gagawin nito
b. Tagpuan
Ang mga kaganapan sa kwento ay nangyari sa dagat at sa Tangos.
c. Balangkas
May isang mangingisda na nais makabili ng kanyang sariling lantsa at magkaroon ng sapat na pera upang maiangat ang kangyang Ina sa kahirapan. Sa likod ng kanyang mga pangarap, ay ang katotohanan na siya ay mahirap lamang at kakaunti lang ang kanyang huli para suportahan ang pangangailangan. Nalulubog na siya sa utang sa punduhan ni Fides sa mga gasolinang hiningan nito. Sa kabila ng malulungkot na mga kaganapan, siya ay nagpupursigi na maabot ang kanyang pangarap. Kapag nakikita niya ang mga lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides hindi ito mawala sa kanyang isip sa paraan na naging inspirasyon na niya ang nakamit ng dalawa. Lagi niyang nasasabi sa kaniyang ina na balang araw ay makakabili rin siya ng sariling lantsa at sila ay giginhawa sa hirap. Madalas naman siyang pagsabihan ng kanyang ina na huwag na itong pangarapin at masiyahan na lamang sa bangkang mayroon ito. Pinagsikapan niya pa rin na kumita ng sapat na salapi upang makabili ng lantsa. Sa kanyang paglalakbay tungo sa mga gusto niyanh abutin, nakakalimutan niya na ang Maykapal. Pagkatapos ng ilang taon, ang mangingisda ay nagkaroon ng sapat na salapi upang makabili ng motor. Tugon niya sa kanyang ina na ito na ang simula ng kanilang kaginhawaan. Nawalan siya ng pananalig sa Maykapal kung saan naman lalong tumibay ang kanyang mithiin sa pagkakaroon ng lantsa. Naging tatlo na ang lantsa ni Don Cesar at lalong lumaki naman ang punduhan ni Fides. Isang gabi, kung saan siya ay nasa dagat, may bitbit siyang dalwang dinamita sa kanyang bangka. Kitang kita niya na ang kanyang mga kasamang mangingisda ay malayo sa kanya pati na rin ang mga nagpapatrol sa dagat, kaya naisipan niyang gumamit ng mga dinamita. Batid niya ang masamang dulot nito pero ang kanyang pagmimithi sa pera ay bumulang sa kanya. Inilawan niya ang dinamita pero sa huli, ang kanyang mga kamay ang nasabugan ng dinamita.Kaukdulan
Nalaman niya na tatlo na ang lantsa ni Don Cesar at patuloy na lumalaki ang punduhan ni Fedes. Nalaman niyang ang isang labas lang ng lantsa ay nakapagbibigay ng malaking kita sa kanila. Lalong siyang nangarap sa mga lantsa at punduhan. Ang dalawang bagay na ito ang nagbibigay sa kanya na lakas ng loob.
V. Taglay na Bisa ( Damdamin , Kaisipan, Asal)
•Bisa ng Damdamin
Ang istorya ay nagbibigay malay sa lahat ng nga taong maaaring makabasa nito hindi lamang dahil ito ay isang kwento ng isang dumadaan sa mga pagsubok pero dahil na rin sa mga nagawang bagay ng tauhan sa kwento na makakapagmulat sa mga pananaw ng mga mambabasa sa isang bagay. Talaga ngang nagbigay ito ng malaking epekto sa pandamdamin dahil panigurado na ilan sa mga mambabasa pati na rin ako ay napunta na sa parehong sitwasyon na nagbigay ng emosyonal na pananalakay, ito ay kalungkutan na may halong pagsisisi para sa mga pangyayari sa akda.
•Bisa ng Kaisipan
Maraming bagay ang pwedeng matutunan sa kwentong “Ang mangingisda’ isa narito ay ang huwag magmadali sa mga bagay-bagay. Nasabikoi to dahil ang pagmamadali ay makakasama lang sa atin. Katulad ng bida sakwento minadali niya ang kanyang sarili dahil gusto niyang yumaman ngunitang pagmamadaling iyon ay nagging dahilan ng pagwawakas ng kanyangbuhay.B. Bisa sa damdamin
•Bisa ng Asal
Sa mga pangyayari sa kwento, nagbigay ito ng pagbabago ng pananaw na kung saan kahit may mga gusto tayong makamit ng mabilisan hindi natin ito madadaan sa gusto nating paraan lalo na kung ito ay isang pinagmadalian at masamang paraan sa pagresolba ng isang problema o pagkamit ng pangarap. Piliin natin ang aksyon na hindi tayo makasasakit kahit ninuman o anuman at isama sa atin lagi ang pananalig sa Maykapal.
VI. Kamalayang Panlipunan
Ang maipahayag ang mga konteksong bumabalot sa antas ng buhay ng bawat isang tao.Maunawaang lubos ng lahat ang kalagayan ng kanilang kapwang nagpapakahirap para matugunan lamang ang pangangailangan sa pangaraw-araw na pamumuhay. Mailagay sasentro ang lahat na maging bukas sa kamalayan ang bawat sakripisyo na ginagawa ng mgamangagawa upang magkaroon lamang ng pagkatamo sa kanilang mga ninanais hindilamang para sa kanilang saril kundi pati sa kanilang pamilya.
http://solomonannkristy.blogspot.com/2015/08/ang-mangingisda-ni-ponciano-b-peralta_8.html?m=1
https://varsitarian.net/news/20090830/ponciano_pineda_81
Comments
Post a Comment