Pagsusuri (Gawain 7)

                            Bangkang Papel

                 ni Genoveva Edroza- Matutue


I. Pamagat

Bangkang Papel

- Ang may akda humantong sa ganitong pamagat sapagkat sa tuwing may makikita syang bangkang papel ay na aalala niya ang ang batang lalaki na gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel ngunit hindi nya ito napalutang kailanman. Inihalintulad rin ng may akda ang pamagat na "Bangkang Papel" sa kabataan ng bata. Tulad ng isang bangkang papel panandalian lang ito at nasisira rin kapag inilagay sa tubig katulad na lamang ng bata sa kwento na ninakawan agad ng realidad ng buhay at suliranin, hindi nya man lamang ito natamasa ng matagal.


II. May-akda

Si Genoveva Edroza-Matute 

 Siya ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro, nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca. Si Matute rin ang lumikha ng sikat na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50. 


III.Maikling Kwento

Ang uri ng maikling kwento na ito ay isang kwentong nagsasalaysay sapagkat ang bangkang papel ay sumisimbolo sa pangarap ng batang lalaki sa kwento.



IV. Nilalaman

a.Tauhan

Batang Lalaki - Siya ang bida sa kwento. Gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel.

 - Ina ng batang lalaki at ni Miling na madalas niyang pinagtatanungan kung kailan ang uwi ng ama nila.

Miling - Kapatid ng batang lalaki.

Ama - Ama ng batang lalaki at ni Miling na namatay sa engkwentro ng mga kalaban ng    pamahalaan.

 

b. Tagpuan

- Sa isang maliit na barong - barong o sa kanilang tahanan.

                

c. Balangkas

Pagbabalik-tanaw ng nagsasalaysay ng kuwento. Sa tuwing makikita niya ang mga batang naglalaro ng bangkang papel at sa tuwing uulan nang malakas, naaalala niya ang isang batang hindi na natupad pa ang pangarap na magpalutang ng ginawang tatlong bangkang papel. Nais sana ng bata na magpaanod ng bangkang papel kinabukasan kaya gumawa siya ng tatlong piraso. Gayunman, lubhang malakas ang ulan kaya naman umaasa siyang wala na ito bukas upang mapaandar ang bangkang papel na ginawa. Habang malakas ang ulan, naalala ng bata ang kaniyang amang sundalo. Tinanong nito ang ina kung wala pa ang kaniyang ama at sinabing wala pa naman. Panahon kasi ng digmaan noon kaya abala ang ama niya sa paglilingkod bilang sundalo. Kinabukasan, kumalma na ang panahon. Nagising siya at nakita ang Ina na nakalumpasay at umiiyak ito. Batid niya noong may suliranin na kaya dahan-dahan ang kaniyang paglakad. Dito na inilahad ng kaniyang ina ang nangyari sa kaniyang ama. Kasama ito sa ilang nasawi sa nangyaring engkuwentro noong gabi kung saan malakas ang ulan. Hindi malaman ng batang lalaki ang kaniyang mararamdaman. Napaluha na lamang ito at napasigaw sa sinapit. At hindi na rin nito napaanod ang ginawa niyang mga bangkang papel kailanman.

         

V. Taglay na Bisa ( Damdamin , Kaisipan, Asal)

•Bisa ng Damdamin

- Sa bisang damdamin ay nakakalungkot ang nangyari sa batang lalaki sapagkat na ngangarap lamang ito na mapalutang ang kaniyang ginawang bangkang papel. Ngunit hindi na niya ito nagawa dahil nalaman nila na isa sa namatay ang kanilang ama sa engkwentro nung gabi malakas ang ulan. 


•Bisa ng Kaisipan 

- Sa bisang kaisipan ay natutunan ko na dapat lagi kang handa sa kung anong mga posibleng mangyari lalo na sa hinaharap sapagkat hindi mo alam kung ano , sino o kailan may mawawala sayo. Dapat lagi kang matatag at malakas lalong lalo na pagdating sa ating mga pangarap sapagkat hindi mawawala ang hadlang sa pagkamit nito.

    

•Bisa ng Asal

Ang bisa ng asal ay pinapakita sa kwento ang pagmamahal ng isang anak sa magulang at ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak. Tulad ng batang lalaki sa kwento na palagi niyang tinatanong sa kaniyang Ina ang pagdating ng Ama. Upang di mag- alala ang anak ay palagi nitong sinasabi na kinabukas ay uuwi na rin ito. Doon pa lamang ay makikita na ang pagmamahalan.


VI. Kamalayang Panlipunan

Layunin nito na buksan o palawakin ang kaisipan ng mga kabataan tulad ng batang lalaki sa na ngangarap na makapag palutang ng bangkang papel ngunit hindi na nagawa sapagkat may suliranin na dumating sa kanila. Sa kwentong ito ay binabatid na huwag sumuko kung ano man ang iyong pangarap. Maging matatag at malakas sa lahat ng bagay lalo na sa mga pwedeng mangyari sa hinaharap.

https://www.panitikan.com.ph/maikling-kwento/pag-ibig/bangkang-papel-buong-kwento


Comments

Popular posts from this blog

Pagsusuri (Gawain 5)

Pagsusuri (Gawain 6)