Pagsusuri (Gawain 6)
Mabangis na Lungsod
Ni Efren Abueg
I. Pamagat
Mabangis na Lungsod
Humantong ang ang may akda sa ganitong pamagat sapagkat ito ang naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit saang lugar ay hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay o di kaya nama'y paggamit ng dahas na mga tao.
I I. May-akda
Efren Abueg
Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor. At isa sa mga akdang kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na Lungsod.
III.Maikling Kwento
IV. Nilalaman
a.Tauhan
Adong- 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.
Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong luwasan ng simbahan.
Bruno- isang siga na kinatatakutan ni adong na siyang kumuha sa kanyang pera.
b. Tagpuan
Naging dominante na naganap ang mga pangyayari sa tapat ng Simbahan ng Quiapo.
c. Balangkas
Isang araw sa simbahan ng Quiapo, may isang bata na ang pangalan ay si adong. Isa siyang pulubi na ulila sa magulang at namamalimos habang siya at naghihintay sa labas ng simbahan. Sinasalubong niya ang mga taong naglalabasan para mamalimos, gutom na gutom si Adong. Dumating si bruno at kinuha niya ang napalimos ni Adong. Kinabukasan, namamalimos si Adong, at nakita ni Aling Ebeng si bruno na papalapit na sakanila at tumakbo si Adong. Nakatakas si Adong subalit nakita pa rin siya, at binugbog hanggang naramdaman niya na parang nawala na sa kanya ang paghihirap.
V. Taglay na Bisa ( Damdamin , Kaisipan, Asal)
•Bisa ng Damdamin
Ang bisang damdamin ng kwento ay isinasaad nito ang mahirap na pamumuhay sa lungsod na ang lungsod ay parang isang mabangis na gubat kung saan mahirap mabuhay.Awa kay Adong na nakatanggap ng panghuhusga’t pang-aalipusta mula sa mgataong hindi naman siya lubos na kilala. Nakababagbag-damdamin ang kalagayanniyang nakasaad sa akda. Sa murang edad ay nakaranas siya ng hirap na ni minsa’yhindi naranasan ng ilang nagsipagtanda nang mga mayayaman. Disgusto sa mga taong nanamantala ng kahinaan ng isang tao para sa sarilingikabubuti o sariling kapakanan. Pare-pareho naman silang nahihirapan ngunit sa halipna makipagtulungan ay ginagawa pang tungtungan ang kapwa upang makaangat sabuhay. Gayundin sa mga taong humuhusga sa kapwa base lamang sa kung ano angpinaniniwalaan sa lipunan at hindi iniisip kung ano ang magiging bunga ng simplengreaksyon at pakikitungo nila sa ibang tao.
•Bisa ng Kaisipan
Ito ay may katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan. Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon at maging sariling karanasan ng may akda. Ang .Ang akda ay naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit saang lugaray hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay o di kaya nama’y paggamit ngdahas upang malamangan ang kapwa. Ang pinagpapaguran ng mga mahihirap atmahihina’y pagkadaling napupunta sa mga nakaaangat, hindi sa antas ng pamumuhaykundi sa lakas o kapangyarihan.Bukod sa nagbigay kaalaman ang akda patungkol sa kung anong klasengpamumuhay mayroon ang isang kagaya ni Adong, ipinakita din nito kung paanongbiktima din talaga ng sistemang umiiral sa lipunan ang mga katulad niya. Nagnanaisang ilan sa kanilang makaalis sa kanilang kinalalagyan ngunit mismong ang mganakapaligid sa kanila ang nagiging hadlang. Ang mga mahihirap ay lalo pang naghihirapdahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya at sa lipunang kaniyang ginagalawan.
•Bisa ng Asal
Isang pagtatama nga sa ugaling pagsasawalang-bahala at kawalan ng pakialamsa kapwa ang hatid ng kwento. Palibhasa nga’y hindi natin danas ang hirap nila sabuhay ay hindi natin sila lubos na nauunawaan. Isang malinaw na naging kakulanganng marami sa ating mga sarili ang pagiging kuntento sa pagki-kwenta ng kung anolamang ang ating nakikita at sa hindi pagsubok na alamin ang tunay na kalagayan ngkapwa bago husgahan at pandirihan.
VI. Kamalayang Panlipunan
Ang kamalayang panlipunan sa kwento ay naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Sa ating lipunan, mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga mayayaman na patuloy na yumayaman.Dahil dito, maraming mga tao ang gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at makamit ang mga ninanais.
http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r-abueg.html?m=1
https://www.coursehero.com/file/34669716/MABANGIS-NA-LUNGSODdocx/
https://pdfcoffee.com/mabangis-na-lungsod-ni-efren-abueg-5-pdf-free.html
Tata Selo
Ni Rogelio Sikat
I. Pamagat
Tata Selo
Humantong ang may akda sa ganitong pamagat sapagkat ang kwentong Tata Selo ay ipinapahayag ang damdamin ng mga mahihirap. Makikita natin sa kwento na ang mga mahihirap ay walang kapangyarihan sa mundo laban sa mga mayayaman.
I I. May-akda
Rogelio Sikat
Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at nagtapos ng MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino. Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III. Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994.
III.Maikling Kwento
IV. Nilalaman
a.Tauhan
Tata Selo - ang pangunahing tauhan sa kwento na siyang tumaga at nakapatay kay Kabesang Tano sa kadahilanang pinapaalis na siya sasakahan nito.
Kabesang Tano - Siya ang may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo ngunit isang araw ay sinabihan na lang niya ang matanda na umalis na ito sapagkat may iba nang magsasaka dito.
Alkalde - Siya ang alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa kumausap kay Tata Selo tungkol sa pagtaga ng matanda kay Kabesang Tano.
Isang Bata - Sa murang edad ay naiintindihan nya ang kalagayan ni Tata Selo.
Saling - Siya ang nag-iisang anak ni Tata Selo na namamasukan bilang isang katulong sa bahay ni Kabesang Tano.
b. Tagpuan
Ang tagpuan ay ginanap sa Iskated, Munisipyo, Sa Bukid
c. Balangkas
Nag karoon ng Kaguluhan sa istaked nang malaman ng taumbayan ang balitang pinatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamayari ng lupang kung saan nag sasaka si Tata Selo, dahil sa kadahilanang matanda sa si Tata Selo at gusto nang Palitan ni Kabesang Tano, Bago paman si Tata Selo ang nag mamayari ng Lupa nung isinangla nat iniembargo. Dahil Dito pumunta ang aklalde at ang hepe ng pulis upang tignan ang pangyayari. Nang makulong si Tata Selo ang anak naman niyang si Saling ay dumalaw upang Makita ang ama ngunit ito’y pinapauwi sa kadahilanang may sakit pa ito ngunit si Saling ay di sumunod sa ama nito at pumunta sa tanggapan ng alkalde dahil ito’y pinapatawag. At si Tata Selo ay idinikta na Lahat na ay inagaw sa Kanya.
V. Taglay na Bisa ( Damdamin , Kaisipan, Asal)
•Bisa ng Damdamin
Lubhang nakakaawa ang hirap dahil sa pagmamalupit na dinananas ngmag-amang Tata Selo mula sa kabesa, sa hepe at maging saalakalde.Halos nahubaran nasila ng anumang dignidad ng pagiging tao. Ganun kalupit kung silaý itrato ng mga nasa kapangyarihan sa bayan ng San Roque.
•Bisa ng Kaisipan
Ang bisang pangkaisipan na taglay ng maikling kwento ay ang patuloy na pag-iral ng kawalan ng pagkakataon na makamit ang hustisya lalo na sa mga mahihirap. Napatunayan ko rin na kapag ang tao ay nanggaling sa mahirap na pamilya, hindi na mawawala o matatapos ang pagsasamantala ng mga makapangyarihan sa kahinaan ng mga ito. Gayundin, lubos na napagkakaitan ng karapatang pantao ang mga ito dahil sa kawalan din nila ng kakayahan na ipagtanggol ang mga sarili. Walang batas na umiiral kung ikaw ay mayaman. Lahat ng naaayon sa kaniyang paniniwala o prinsipyo ay tama kahit na sa mata nang marami, ito ay mali na.
•Bisa ng Asal
Makikita mula sa iba’t ibang taong naka-usap at bumisita kay Tata Selo ay iba-iba nilang pagtugon sa sinapit ng matanda at sa nagawa nitong krimen. Ipinapakita nito ang maaaring maging epekto ng pagkakaiba ng antas sa lipunan at lugar na kinalakihan sa magiging asal at tugon ng isang tao sa isang sitwasyon.
VI. Kamalayang Panlipunan
Pagmamahal sa Pamilya Inuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak na si Saling kaysa sarili nyang kalagayan. Hindi nya inuna ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagmamahal dito. Ang kuwentong ito ay napapanahon pa rin. Napakaraming nilalang sa mundo ang hindi masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay nanagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi, ninanakawan ng karapatang mabuhay nang matahimik at mapayapa. Isa rin sa mga aral na mapupulot sa kuwento ang sa tuwinaý pagmamahal ng magulang sa kanyang anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang mgamagulang sa kabila ng dinaranas na kahirapan. Naisulat ito ni Sicat upang mabatid rin ng lahat na hindi dapat gamitin ang kapangyarihan upang maghari sa mundo at mang abuso ng kapwa tao. Dahil dito sa mundong ibabaw, tayo ay pantay-pantay na namumuhay. Walang sinuman ang pwedeng manakit ng kapwa. Lagi rin nating tandaan na bilog ang mundo at kung ano man ang iyong ginawa o gagawin pa ay muli itong babalik sa iyo.
https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---tata-selo.html
https://www.academia.edu/22983916/Tata_Selo_ni_Rogelio_Sikat
https://www.studocu.com/ph/document/batangas-state-university/professional-education/tata-selo-by-rogelio-sikat/9485836
Comments
Post a Comment