Posts

Pagsusuri (Gawain 7)

                            Bangkang Papel                  ni Genoveva Edroza- Matutue I. Pamagat Bangkang Papel - Ang may akda humantong sa ganitong pamagat sapagkat sa tuwing may makikita syang bangkang papel ay na aalala niya ang ang batang lalaki na gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel ngunit hindi nya ito napalutang kailanman. Inihalintulad rin ng may akda ang pamagat na "Bangkang Papel" sa kabataan ng bata. Tulad ng isang bangkang papel panandalian lang ito at nasisira rin kapag inilagay sa tubig katulad na lamang ng bata sa kwento na ninakawan agad ng realidad ng buhay at suliranin, hindi nya man lamang ito natamasa ng matagal. II. May-akda Si Genoveva Edroza-Matute   Siya ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro, nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca. Si Matute rin ang lumikha

Pagsusuri (Gawain 6)

                       Mabangis na Lungsod                              Ni  Efren Abueg I. Pamagat Mabangis na Lungsod Humantong ang ang may akda sa ganitong pamagat sapagkat ito ang naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit saang lugar ay hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay o di kaya nama'y paggamit ng dahas na mga tao. I I. May-akda Efren Abueg    Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.  At isa sa mga akdang kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na Lungsod. III.Maikling Kwento IV. Nilalaman a.Tauhan  Adong- 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.  Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong luwas

Pagsusuri (Gawain 5)

                             Ang Mangingisda                   Ni  Ponciano B. Peralta Pineda I. Pamagat Ang Mangingisda    Ang halos pangunahing pangkabuhayan ng mga tao ay ang panghuhuli ng isda. Ito ang pamagat ng kwento sapagkat umiikot ang kwento sa isang mangingisda at dito rin malalaman kung ano ang pamumuhay meron ang mangingisda at kung paano nila itaguyod ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng panghuling isda. Kaya “Ang Mangingisda” ang pamagat ng kwento sapagkat ang kwento ay tungkol sa isang lalaking mangingisda ang gustong makahuli ng maraming isda at mayroong pangarap na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan ngunit masamangparaan ang ginamit niya. II. May-akda Ponciano B. Pineda    Isa sa kinikilalang tagapagtaguyod ng wikang pambansa at panitikan ang pumanaw bago pa man magsimula ang Buwan ng Wika.Si Ponciano B.P. Pineda, 81, itinuturing “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” ay namatay noong Hulyo 31 dahil sa cardiac arrest.Si Pineda ang nanguna sa pagtatag ng Komi
Image
Mga akdang pampanitikan sa bawat panahon By: Patrecia Mae Buenaobra PANAHON NG KATUTUBO Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw. Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala. Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga. Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Il