Pagsusuri (Gawain 7)
Bangkang Papel ni Genoveva Edroza- Matutue I. Pamagat Bangkang Papel - Ang may akda humantong sa ganitong pamagat sapagkat sa tuwing may makikita syang bangkang papel ay na aalala niya ang ang batang lalaki na gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel ngunit hindi nya ito napalutang kailanman. Inihalintulad rin ng may akda ang pamagat na "Bangkang Papel" sa kabataan ng bata. Tulad ng isang bangkang papel panandalian lang ito at nasisira rin kapag inilagay sa tubig katulad na lamang ng bata sa kwento na ninakawan agad ng realidad ng buhay at suliranin, hindi nya man lamang ito natamasa ng matagal. II. May-akda Si Genoveva Edroza-Matute Siya ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro, nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca. Si Matute rin ang lumikha