Posts

Showing posts from April, 2022
Image
Mga akdang pampanitikan sa bawat panahon By: Patrecia Mae Buenaobra PANAHON NG KATUTUBO Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw. Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala. Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga. Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Il